2018年6月14日木曜日

Paano i- forward ang tawag sa numbers sa loob at labas ng Japan?

Mula sa inyong app, magpunta sa My account >> Call Forwarding at sundin ang instructions.
Para mai-forward ang tawag sa number sa Japan, i-enter ang number, kasama ang area code o ang mobile prefix. Para mai-forward ang tawag sa number sa labas ng Japan, i-enter ang number, kasama ang country code kasunod ang area code at ang local destination number. Tandaan lamang na ang inyong 050 number ay kailangang na-issue muna bago ninyo mai-set up ang call forwarding.

Paano maaayos ang sound quality?

Magpunta sa app settings >> Account setup >> Audio codecs
Subukang pagpalitin ang codecs sa pagitan ng GSM (para sa mobile data) at G.711 (para sa Wi-Fi).

Ano ba ang My 050? Sa anong uri ng lugar ito maaaring magamit?

Ang My 050 ay smartphone app para sa individual use (iOS/Android) na kung saan kayo ay makakagawa ng VoIP calls sa regular phone numbers. Bukod sa murang international at domestic outgoing calls, sa My 050 kayo ay magkakaroon ng local phone number na walang bayad para sa mga incoming calls. Ang tawag sa pagitan ng My 050 users ay walang bayad. Ang charge para sa tawag na ginawa mula sa 050 number ay tulad ng tawag sa IP phone number. Ang serbisyo ay kailangang may malakas na internet connection (3G/4G/LTE o Wi-Fi) at may speed na mahigit sa 1Mbps. Magkakaroon ng data transfer charges kapag ginamit ang app sa data carrier ng network. Aming inirerekomenda na magparehistro sa flat-fee data transfer plan o kumonekta sa Wi-Fi.

Paano malalaman ang kabuuang “talk times” at “call counts”

Magpunta sa app settings >> Usage
Maaaring i-reset ang usage at start timing ng inyong talk time mula sa umpisa.

Paano ang pagtawag sa number sa Japan o abroad mula sa app?

I-dial ang phone number batay sa instructions sa ibaba at pindutin ang 050 GREEN button upang makonekta ang inyong tawag. Ang tawag ay magsisimula pagkatapos ng impormasyon para sa natitirang minuto.

Pagtawag sa Japan:
I-dial ang phone number na nagsisimula sa area code o mobile prefix.
Halimbawa:
  • para sa landline sa Tokyo: 0312345678
  • para sa mobile phone: 08012345678
  • para sa free dial 0120 number: 0120659535
Pagtawag sa abroad:
I-dial ang country code + area code/mobile prefix (hindi kasama ang unang 0) + phone number.
Halimbawa:
  • para sa landline sa Manila, Philippines: 632123456789
  • para sa mobile sa Philippines: 63123456789

Paano mag-record ng tawag?

Magpunta sa app settings >> Preferences >> Call recording >> Record all calls
Maaari ring mag-set ng time kung kailan nais burahin ang recorded messages.
Para marinig ang recording  :
Para sa Android: piliin ang call history tab at pindutin ang voicemail icon.
Para sa iOS: piliin ang call history >> recorded >> i (information icon) at pindutin sa nais na voicemail.
Maaari ring ipadala ang recorded messages sa pre-registered email address (para lamang sa Android users). Para magawa ito, pindutin ang tatlong tuldok ng recorder at pindutin ang Share. Kapag nag-share ng call recording sa pamamagitan ng email, ang email address ay mape-prefilled gamit ang nirehistro  sa settings na nasa itaas.
Para sa iOS, pindutin ang i (information icon) para maipadala ito via Email o AirDrop.

Paano magkaroon ng 050 number?

Para magkaroon ng My 050 number, mangyaring ipadala ang inyong ID sa link na ito:

My 050 APPLICATION FORM

Ang kopya ng mga ID ay kailangang malinaw, nababasa at ang ID expiration date ay kailangang mahigit sa 30 days bago ang application date. Kung hindi, ang inyong application ay hindi mapoproseso. 
Paalala: ang My 050 Number ay amin lamang ibibigay kapag naging matagumpay ang proseso ng pag-verify ng inyong ID at ito ay tatagal ng ilang araw. Maaari rin kaming humingi ng karagdagang dokumento o hilingin na muli ninyong ipadala ang inyong ID kung ito ay hindi namin mabasa.

Mangyaring basahin ang sumusunod na impormasyon bago mag-apply sa serbisyo:

[IMPORTANT] My 050 Number Service Charges