2018年6月14日木曜日

Maaari bang tumawag sa 0120/0800 Free Dial mula sa My 050?

Oo, maaaring tumawag ng walang bayad sa 0120/0800 Free Dial number. Maliban sa ilang kaso ng pang-aabuso sa network, hindi namin hinahadlangan ang tawag sa 0120/0800 numbers. Subalit ang ilang 0120/0800 number holders ay maaaring i-block ang tawag mula sa mobile at/o IP phones. 
Tandaan lamang na kung tatawag mula sa app na wala ang inyong sariling My 050 number, ang inyong caller ID ay hindi ipapakita sa inyong tinatawagan. Kung ang 0120/0800 number holder ay may setting na hindi tanggapin ang ganitong mga tawag, kayo ay hindi makakakonekta.

0 件のコメント:

コメントを投稿