2018年6月14日木曜日

Ano ang gamit ng 0091 (yellow) button?

May 2 buttons na makikita sa inyong dialer: "050": ang green button ay para sa IP calls (mas murang rates) at "0091": ang yellow button para sa voice calls gamit ang inyong mobile carrier lines (mas maganda ang quality). Kapag pinindot ang "0091" button, ang 00912020 prefix ay idadagdag bago ang destination number at ang inyong tawag mula sa inyong mobile line ay makokonekta via Brastel.
Ang "0091" button ay hindi maaaring magamit sa labas ng Japan o sa mobile phones na walang voice plans. Kung kayo ay walang voice SIM, maaaring hindi paganahin ang "0091" button. Pumunta sa Settings >> Preferences >> Controls >> Show GSM button >> OFF.
Ang paraan ng pag-dial ay pareho para sa 2 buttons. Subalit ang calling rates ay mag-iiba depende saan area sa Japan nanggagaling ang tawag. (Tingnan ang rates and area information.) Ang domestic calls na ginawa gamit ang "0091" button ay makukumpleto sa pamamagitan ng international network kaya ito ay walang consumption-tax. Ang consumption tax ay kasama na sa rates ng domestic calls (sa loob ng Japan) na ginawa gamit ang "050" button (maliban na lang kung may  "note").

0 件のコメント:

コメントを投稿