2018年6月14日木曜日

Ang My 050 number ko ba ay makikita ng kabilang party?

Kung kayo ay wala pang sariling My 050 number at gagawa ng tawag, walang caller ID na makikita ang inyong tinatawagang party. Samakatuwid, kung ang inyong tinatawagan ay may setting na hindi tanggapin ang mga tawag na walang number display, kayo ay hindi makakakonekta. Aming nirerekomenda na kayo ay kumuha ng My 050 number mula sa "My Account".

Kung kayo ay may sarili ng My 050 number, ang inyong My 050 number ay makikita ng inyong tinatawagan kapag kayo ay gumawa ng domestic call; subalit, ang caller ID function ay hindi ginagarantiyahan sa lahat ng oras. Ang phone number ay hindi makikita kapag gumawa ng tawag sa ibang bansa.

0 件のコメント:

コメントを投稿