2018年6月14日木曜日

Ano ba ang My 050? Sa anong uri ng lugar ito maaaring magamit?

Ang My 050 ay smartphone app para sa individual use (iOS/Android) na kung saan kayo ay makakagawa ng VoIP calls sa regular phone numbers. Bukod sa murang international at domestic outgoing calls, sa My 050 kayo ay magkakaroon ng local phone number na walang bayad para sa mga incoming calls. Ang tawag sa pagitan ng My 050 users ay walang bayad. Ang charge para sa tawag na ginawa mula sa 050 number ay tulad ng tawag sa IP phone number. Ang serbisyo ay kailangang may malakas na internet connection (3G/4G/LTE o Wi-Fi) at may speed na mahigit sa 1Mbps. Magkakaroon ng data transfer charges kapag ginamit ang app sa data carrier ng network. Aming inirerekomenda na magparehistro sa flat-fee data transfer plan o kumonekta sa Wi-Fi.

0 件のコメント:

コメントを投稿