2018年6月14日木曜日

Paano i- forward ang tawag sa numbers sa loob at labas ng Japan?

Mula sa inyong app, magpunta sa My account >> Call Forwarding at sundin ang instructions.
Para mai-forward ang tawag sa number sa Japan, i-enter ang number, kasama ang area code o ang mobile prefix. Para mai-forward ang tawag sa number sa labas ng Japan, i-enter ang number, kasama ang country code kasunod ang area code at ang local destination number. Tandaan lamang na ang inyong 050 number ay kailangang na-issue muna bago ninyo mai-set up ang call forwarding.

Paano maaayos ang sound quality?

Magpunta sa app settings >> Account setup >> Audio codecs
Subukang pagpalitin ang codecs sa pagitan ng GSM (para sa mobile data) at G.711 (para sa Wi-Fi).

Ano ba ang My 050? Sa anong uri ng lugar ito maaaring magamit?

Ang My 050 ay smartphone app para sa individual use (iOS/Android) na kung saan kayo ay makakagawa ng VoIP calls sa regular phone numbers. Bukod sa murang international at domestic outgoing calls, sa My 050 kayo ay magkakaroon ng local phone number na walang bayad para sa mga incoming calls. Ang tawag sa pagitan ng My 050 users ay walang bayad. Ang charge para sa tawag na ginawa mula sa 050 number ay tulad ng tawag sa IP phone number. Ang serbisyo ay kailangang may malakas na internet connection (3G/4G/LTE o Wi-Fi) at may speed na mahigit sa 1Mbps. Magkakaroon ng data transfer charges kapag ginamit ang app sa data carrier ng network. Aming inirerekomenda na magparehistro sa flat-fee data transfer plan o kumonekta sa Wi-Fi.

Paano malalaman ang kabuuang “talk times” at “call counts”

Magpunta sa app settings >> Usage
Maaaring i-reset ang usage at start timing ng inyong talk time mula sa umpisa.

Paano ang pagtawag sa number sa Japan o abroad mula sa app?

I-dial ang phone number batay sa instructions sa ibaba at pindutin ang 050 GREEN button upang makonekta ang inyong tawag. Ang tawag ay magsisimula pagkatapos ng impormasyon para sa natitirang minuto.

Pagtawag sa Japan:
I-dial ang phone number na nagsisimula sa area code o mobile prefix.
Halimbawa:
  • para sa landline sa Tokyo: 0312345678
  • para sa mobile phone: 08012345678
  • para sa free dial 0120 number: 0120659535
Pagtawag sa abroad:
I-dial ang country code + area code/mobile prefix (hindi kasama ang unang 0) + phone number.
Halimbawa:
  • para sa landline sa Manila, Philippines: 632123456789
  • para sa mobile sa Philippines: 63123456789

Paano mag-record ng tawag?

Magpunta sa app settings >> Preferences >> Call recording >> Record all calls
Maaari ring mag-set ng time kung kailan nais burahin ang recorded messages.
Para marinig ang recording  :
Para sa Android: piliin ang call history tab at pindutin ang voicemail icon.
Para sa iOS: piliin ang call history >> recorded >> i (information icon) at pindutin sa nais na voicemail.
Maaari ring ipadala ang recorded messages sa pre-registered email address (para lamang sa Android users). Para magawa ito, pindutin ang tatlong tuldok ng recorder at pindutin ang Share. Kapag nag-share ng call recording sa pamamagitan ng email, ang email address ay mape-prefilled gamit ang nirehistro  sa settings na nasa itaas.
Para sa iOS, pindutin ang i (information icon) para maipadala ito via Email o AirDrop.

Paano magkaroon ng 050 number?

Para magkaroon ng My 050 number, mangyaring ipadala ang inyong ID sa link na ito:

My 050 APPLICATION FORM

Ang kopya ng mga ID ay kailangang malinaw, nababasa at ang ID expiration date ay kailangang mahigit sa 30 days bago ang application date. Kung hindi, ang inyong application ay hindi mapoproseso. 
Paalala: ang My 050 Number ay amin lamang ibibigay kapag naging matagumpay ang proseso ng pag-verify ng inyong ID at ito ay tatagal ng ilang araw. Maaari rin kaming humingi ng karagdagang dokumento o hilingin na muli ninyong ipadala ang inyong ID kung ito ay hindi namin mabasa.

Mangyaring basahin ang sumusunod na impormasyon bago mag-apply sa serbisyo:

[IMPORTANT] My 050 Number Service Charges

May expiration ba ang My 050 account?

Ang inyong Brastel account at ang katumbas nitong 050 number ay hindi na magagamit isang taon pagkatapos ng anumang tawag o transaksyon (maliban sa  credit transfers) na magreresulta sa pagbabago sa balanse (pagtaas o pagbaba).

Maaari bang tumawag sa numbers sa Japan?

Oo, maaaring tumawag sa loob ng Japan, maliban sa mga sumusunod na numbers:
  • Directory assistance, emergency, at iba pang three-digit numbers tulad ng 119, 104, 110, 113, atbp. 
  • International dialing prefixes na nagsisimula sa "00" maliban sa Brastel “0091-20,” tulad ng 001, 0033, 0041 atbp. 
  • Phone numbers na nagsisimula sa mga sumusunod na prefixes: 0170, 0180, 0190, 0570, 0910, 0990, 020, 060. 
  • Ilang Free Dial numbers (prefix 0120/0800).

Maaari bang makagawa/makatanggap ng tawag mula sa ibang bansa?

Oo, ang My 050 app ay maaaring magamit sa alinmang panig ng mundo basta nakakonekta sa Internet. Kung kayo ay nasa labas ng inyong home network, aming inirerekomenda na kumonekta sa Wi-Fi upang maiwasan ang data roaming charges. Ang app ay hindi magagamit sa Wi-Fi routers o networks na nililimitahan ang gamit ng VoIP applications.

Maaari ko bang gamitin ang parehong My 050 account sa bagong device?

Oo. Matapos magpalit ng inyong phone, i-install ang My 050 app sa bagong device at i-enter ang User ID at SIP Password na nakasulat sa likod ng inyong Brastel card para makumpleto ang settings.

Maaari bang mag-apply ng dalawang My 050 numbers sa parehong account?

Technically, ito ay hindi maaari.

Maaari bang mag-install ng parehong My 050 account sa dalawang magkaibang devices?

Oo, technically ito ay maaari. Subalit hindi namin nirerekomenda sapagkat may mga limitasyon. Halimbawa, hindi maaaring gumawa ng sabay-sabay na tawag sa  maraming terminals. Ang push notifications para sa incoming calls ay magiging paibaiba.

Maaari ba akong pumili ng My 050 number?

Hindi, ang My 050 number ay random na pinipili ng aming system.

Ang My 050 number ko ba ay makikita ng kabilang party?

Kung kayo ay wala pang sariling My 050 number at gagawa ng tawag, walang caller ID na makikita ang inyong tinatawagang party. Samakatuwid, kung ang inyong tinatawagan ay may setting na hindi tanggapin ang mga tawag na walang number display, kayo ay hindi makakakonekta. Aming nirerekomenda na kayo ay kumuha ng My 050 number mula sa "My Account".

Kung kayo ay may sarili ng My 050 number, ang inyong My 050 number ay makikita ng inyong tinatawagan kapag kayo ay gumawa ng domestic call; subalit, ang caller ID function ay hindi ginagarantiyahan sa lahat ng oras. Ang phone number ay hindi makikita kapag gumawa ng tawag sa ibang bansa.

Maaari bang tumawag sa 0120/0800 Free Dial mula sa My 050?

Oo, maaaring tumawag ng walang bayad sa 0120/0800 Free Dial number. Maliban sa ilang kaso ng pang-aabuso sa network, hindi namin hinahadlangan ang tawag sa 0120/0800 numbers. Subalit ang ilang 0120/0800 number holders ay maaaring i-block ang tawag mula sa mobile at/o IP phones. 
Tandaan lamang na kung tatawag mula sa app na wala ang inyong sariling My 050 number, ang inyong caller ID ay hindi ipapakita sa inyong tinatawagan. Kung ang 0120/0800 number holder ay may setting na hindi tanggapin ang ganitong mga tawag, kayo ay hindi makakakonekta.

Ilang data ang nagagamit ng My 050 app?

Ang My 050 service ay karaniwang gumagamit ng 250 KB - 600 KB data traffic bawat minuto, subalit ang dami ng data ay maaaring mag-iba depende sa inyong network, terminal specifications, atbp.

May balanse sa aking My 050 account, subalit walang data sa SIM. Maaari ko pa rin bang magamit ang service?

Hindi. Kailangan ang data sa SIM para kayo ay makakonekta sa Internet. Ang Internet connection ay kailangan ng My 050 service para sa application download, application transmission, incoming o outgoing calls, atbp.

Maaari ko bang gamitin ang My 050 account sa ibang application?

Oo. Ito ay maaari technically. Subalit kami ay hindi nagbibigay ng support para sa installation o paggamit ng ibang VoIP adapters o applications kung ito ay hindi galing sa Brastel. Ang Brastel ay walang pananagutan sa anumang hacking, o iba pang uri ng walang pahintulot na paggamit ng third parties ng inyong account.

Maaari ko bang gamitin ang My 050 app gamit ang data-only SIM?

Karaniwan, walang problema sa app kung ang gamit ay data-only SIM. Subalit kami ay hindi nagsagawa ng tests upang kumpirmahin kung paano gumagana ang SIM cards sa My 050 application.
Bago gumawa ng anumang pagbabayad sa inyong account, gumawa muna ng libreng tawag sa test number: 050-6868-0001 at mag-record ng 10-second message pagkatapos ng beep. Ang recording ay iparirinig pabalik sa inyo. Kung ito ay inyong marinig, ang app ay maaari nang magamit mula sa inyong device. Tandaan lamang na ang tawag na ito ay para lamang sa sound quality test purposes at hindi garantisado sa lahat ng oras. Ang internet/network conditions ay maaaring makaapekto sa quality ng tawag.

Ang aking phone ay “XXX”. Magagamit ba ang My 050 application sa device na ito?

Hindi namin bineberipika kung tugma o hindi sa My 050 application ang bawat terminal.
Bago gumawa ng anumang pagbabayad sa inyong account, gumawa muna ng libreng tawag sa test number: 050-6868-0001 at mag-record ng 10-second message pagkatapos ng beep. Ang recording ay iparirinig pabalik sa inyo. Kung ito ay inyong marinig, ang app ay maaari nang magamit mula sa inyong device. Tandaan lamang na ang tawag na ito ay para lamang sa sound quality test purposes at hindi garantisado sa lahat ng oras. Ang internet/network conditions ay maaaring makaapekto sa quality ng tawag.

Ang aking ginagamit ay “XXX” company SIM card. Maaari ba ang My 050 application sa SIM na ito?

Hindi kami nagsasagawa ng test upang maberipika kung tugma ang SIM cards sa My 050 application.
Bago gumawa ng anumang pagbabayad sa inyong account, gumawa muna ng libreng tawag sa test number: 050-6868-0001 at mag-record ng 10-second message pagkatapos ng beep. Ang recording ay iparirinig pabalik sa inyo. Kung ito ay inyong marinig, ang app ay maaari nang magamit mula sa inyong device. Tandaan lamang na ang tawag na ito ay para lamang sa sound quality test purposes at hindi garantisado sa lahat ng oras. Ang internet/network conditions ay maaaring makaapekto sa quality ng tawag.

Ano ang gamit ng 0091 (yellow) button?

May 2 buttons na makikita sa inyong dialer: "050": ang green button ay para sa IP calls (mas murang rates) at "0091": ang yellow button para sa voice calls gamit ang inyong mobile carrier lines (mas maganda ang quality). Kapag pinindot ang "0091" button, ang 00912020 prefix ay idadagdag bago ang destination number at ang inyong tawag mula sa inyong mobile line ay makokonekta via Brastel.
Ang "0091" button ay hindi maaaring magamit sa labas ng Japan o sa mobile phones na walang voice plans. Kung kayo ay walang voice SIM, maaaring hindi paganahin ang "0091" button. Pumunta sa Settings >> Preferences >> Controls >> Show GSM button >> OFF.
Ang paraan ng pag-dial ay pareho para sa 2 buttons. Subalit ang calling rates ay mag-iiba depende saan area sa Japan nanggagaling ang tawag. (Tingnan ang rates and area information.) Ang domestic calls na ginawa gamit ang "0091" button ay makukumpleto sa pamamagitan ng international network kaya ito ay walang consumption-tax. Ang consumption tax ay kasama na sa rates ng domestic calls (sa loob ng Japan) na ginawa gamit ang "050" button (maliban na lang kung may  "note").

Ano ang ibig sabihin ng “options” na lumalabas kapag matagal na pinindot ang phone number mula sa contacts, quick-dial o call history?

Pindutin ng matagal ang number sa inyong contacts, quick-dial o call history at piliin ang “Call” sa iOS devices o piliin ang “Voice Call” o “Auto Call” sa Android devices upang makagawa ng tawag gamit ang 050 button (sa pamamagitan ng Brastel IP network) o “Call Through” upang makagawa ng tawag gamit ang "0091" button (sa pamamagitan ng inyong mobile carrier network subalit gamit ang balanse ng inyong Brastel card).
Ang tawag ay mapupunta sa "050" button kapag ito ay pinindot ng mabilis. Sa ilang iOS versions, kayo ay may makikitang phone icon kapag tiningnan ang inyong contacts o call history details. Huwag pindutin ang icon na ito. Kapag ito ay pinindot, ang tawag ay dadaan sa network ng inyong phone carrier at kayo ay magkakaroon ng charge mula sa inyong phone carrier. Kung nais tumawag gamit ang My 050 app, pindutin ang phone number.

Paano ikansela ang service?

Para kanselahin ang inyong My 050 number, mangyaring magpadala ng request sa cancel_my050@brastel.co.jp kalakip ang impormasyon sa ibaba:
  • Inyong buong pangalan;
  • Email address na inyong ginamit sa pagpaparehistro ng My 050 number ;
  • Inyong Brastel account User ID number (access code);
  • Inyong My 050 phone number;
  • Dahilan ng pagkansela.
Ang lahat ng cancellation requests ay ipoproseso lamang sa mga sumusunod na business hours: Mon. 9:30 - Fri. 18:30

Susubukan naming gawin ang aming makakaya upang ito ay kaagad maproseso.
Gayunpaman, ito ay maaaring magtagal kaya mangyaring ipadala ang inyong request nang hindi bababa sa 2 business days bago dumating ang due date ng inyong maintenance fee. Tandaan lamang na ang mga requests ay hindi namin pinoproseso ng weekends at national holidays.

Kayo ay makakatanggap ng notification mula sa amin pagkatapos maproseso ang inyong request. Tandaan lamang na kami ay hindi tumatanggap ng cancelation requests via phone, chat o SNS. Magpadala lamang ng email sa cancel_my050@brastel.co.jp

Paano aalisin ang “+” kapag nagda-dial mula sa Contacts list?

Pumunta sa app settings >> Preferences >> Number rewriting >> Rules (tap +) >> Conditions (tap +) >> Starts with (write +) >> Actions (tap +) >> Replace with (leave blank)

Maaari bang maibalik ang dati kong 050 number?

Oo. Ito ay karagdagang serbisyo na maaari ninyong i-request kung ang numerong ito ay hindi pa nare-recycle. Ang service charge para rito ay 1100 yen (kasama na ang tax). Makipag-ugnayan sa aming Customer Service Center para sa karagdagang detalye.

Ang app ay hindi gumagana at nagpapakita ng registration error.

Kapag ang registration error ay lumabas, ang My 050 text sa itaas ng screen ay pula (para sa iOS) at may pulang tuldok (para sa Android, app version 2.0) at ang inyong account balance ay hindi maaaring makita. Ito ay nagyayari kapag ang settings ay hindi nakumpleto ng tama.
Pumunta sa Settings >> Account Setup at muling i-type ang inyong User ID at SIP Password.
I-save ang settings at tingnan kung ang My 050 text ay naging berde na (para sa iOS), o may berdeng tuldok (para sa Android, app version 2.0) at ang account balance ay makikita na sa screen.

Ang app ay hindi gumagana at nagpapakita ng server error.

Ang server error ay maaaring makita dahil sa technical specifications ng inyong  network at/o ito ay puno. Subukang gamitin ang app sa mas stable na network.
Bago gumawa ng anumang pagbabayad sa inyong account, gumawa muna ng libreng tawag sa test number: 050-6868-0001 at mag-record ng 10-second message pagkatapos ng beep. Ang recording ay iparirinig pabalik sa inyo. Kung ito ay inyong marinig, ang app ay maaari nang magamit mula sa inyong device. Tandaan lamang na ang tawag na ito ay para lamang sa sound quality test purposes at hindi garantisado sa lahat ng oras. Ang internet/network conditions ay maaaring makaapekto sa quality ng tawag.
Tiyakin din na ang inyong User ID (6 o 12 digits) at SIP Password ( alphanumeric code) ay nailagay ng tama.

Ano ang aking PIN?

Ang inyong PIN ay ang four-digit code na naka-print sa likod ng inyong Brastel card pagkatapos ng User ID (6 o 12 digits). Kung ang bagong account ay direktang nakuha mula sa app, ang inyong PIN ay aming ipadadala sa pamamagitan ng email sa address na inyong ibinigay nang kayo ay nagrehistro. Kung ang impormasyon ay hindi natanggap via email, mangyaring makipag-ugnayan sa customer service at ibigay ang inyong User ID, Brastel card number, 050 number at ang registered email address.

Bakit hindi ako nakakatanggap ng impormasyon tungkol sa bago kong My 050 account?

Kapag kayo ay nakakuha ng bagong account mula sa app, ang inyong account information ay makikita sa huling screen at ito ay ipadadala namin sa pamamagitan ng email sa address na inyong ibinigay nang kayo ay nagrehistro. Kung ang impormasyon ay hindi natanggap via email, mangyaring makipag-ugnayan sa customer service at ibigay ang inyong User ID, Brastel card number, 050 number at ang registered email address.

Bakit hindi ako nakakatanggap ng tawag sa aking Android device?

Settings sa app na maaaring makatulong:
  • Settings >> Incoming calls >> Push notifications (Use push notifications)* >> ON. 
  • Settings >> Preferences >> Call forwarding >> OFF. 
  • Settings >> Preferences >> Other >> Start application after boot >> ON. 
  • Settings >> Preferences >> Network (Wi-Fi settings)* >> Prevent Wi-Fi from sleeping >> ON. 
Settings sa My Account na maaaring makatulong:
  • App >> My Account >> Call Forwarding. I-check lamang kung ang inyong call settings ay hindi naka-set para mai-forward kaagad ang tawag.
Settings sa inyong device na maaaring makatulong:
  • I-switch off ang silent mode sa inyong device. 
  • I-switch off ang battery power saving mode (stamina mode, doze mode). 
  • I-activate ang app notifications: Settings >> Sounds / Notification* >> App Notification (Configure notifications)* >> My 050 >> Allow notifications >> ON. 
  • I-switch off ang anumang data saver sa data traffic usage. 
*Paalala: ang settings menu names ay maaaring mag-iba depende sa model ng inyong device o version ng app na naka-install sa inyong phone.
Ang My 050 app ay may push notification; subalit ang delivery nito ay hindi garantisado. Bilang karagdagan, ang pagrehistro ng parehong Brastel Card information sa iba't ibang devices ay maaaring makaapekto sa push notification.
Bago gumawa ng anumang pagbabayad sa inyong account, gumawa muna ng libreng tawag sa test number: 050-6868-0001 at mag-record ng 10-second message pagkatapos ng beep. Ang recording ay iparirinig pabalik sa inyo. Kung ito ay inyong marinig, ang app ay maaari nang magamit mula sa inyong device. Tandaan lamang na ang tawag na ito ay para lamang sa sound quality test purposes at hindi garantisado sa lahat ng oras. Ang internet/network conditions ay maaaring makaapekto sa quality ng tawag.

Bakit hindi ako nakakatanggap ng tawag sa aking iPhone?

Settings sa app na maaaring makatulong:
  • Settings >> Incoming calls >> Push notifications >> ON. 
Settings sa My Account na maaaring makatulong:
  • App >> My Account >> Call Forwarding. I-check lamang kung ang inyong call settings ay hindi naka-set para mai-forward kaagad ang tawag.
Settings sa inyong device na maaaring makatulong:
  • I-switch off ang silent mode ng inyong device. 
  • Settings >> My 050 >> Microphone >> ON. 
  • Settings >> My 050 >> Notifications >> Show in Notification center >> ON. I-check din dito kung ang inyong iPhone ay nagpapakita ng banners o alerts sa locked screen. Kung ang makikita ay "None", ito ay kailangang palitan ng "Banners o Temporary" o "Alerts o Persistent". Ang "Alerts" ay nangangailangan ng isang aksyon bago magpatuloy. Ang "Banners" ay lalabas sa itaas ng screen at awtomatikong mawawala. 
Ang My 050 app ay may push notification; subalit ang delivery nito ay hindi garantisado. Bilang karagdagan, ang pagrehistro ng parehong Brastel Card information sa iba't ibang devices ay maaaring makaapekto sa push notification.
Bago gumawa ng anumang pagbabayad sa inyong account, gumawa muna ng libreng tawag sa test number: 050-6868-0001 at mag-record ng 10-second message pagkatapos ng beep. Ang recording ay iparirinig pabalik sa inyo. Kung ito ay inyong marinig, ang app ay maaari nang magamit mula sa inyong device. Tandaan lamang na ang tawag na ito ay para lamang sa sound quality test purposes at hindi garantisado sa lahat ng oras. Ang internet/network conditions ay maaaring makaapekto sa quality ng tawag.

Bakit ang tawag sa 050 number ng aking kaibigan ay may bayad?

Ang tawag sa pagitan ng My 050 users ay walang bayad. Subalit kapag nakarinig ng voice guidance tungkol sa inyong balanse, ang inyong tawag ay magkakaroon ng bayad at kayo ay tumatawag mula sa My 050 account na walang private 050 number na na-issue dito. Buksan ang app, pindutin ang My Account >> 050 Number. Kapag hindi nakita ang 050 number, sundan lamang ang instruction para magkaroon.

Bakit nakakatawag ako sa ibang destinasyon gamit ang ibang VoIP apps, subalit hindi makatawag gamit ang My 050?

Ang technical specifications ng My 050 app ay maaaring magkaiba sa app ng ibang kumpanya, kaya hindi maaaring magamit ang My 050 mula sa inyong device. Bago gumawa ng anumang pagbabayad sa inyong account, gumawa muna ng libreng tawag sa test number: 050-6868-0001 at mag-record ng 10-second message pagkatapos ng beep. Ang recording ay iparirinig pabalik sa inyo. Kung ito ay inyong marinig, ang app ay maaari nang magamit mula sa inyong device. Tandaan lamang na ang tawag na ito ay para lamang sa sound quality test purposes at hindi garantisado sa lahat ng oras. Ang internet/network conditions ay maaaring makaapekto sa quality ng tawag.

Bakit naririnig ako ng nasa kabilang linya, ngunit hindi ko marinig ang mga ito (mute)?

I-check ang microphone settings ng inyong phone. Kung ang gamit ay Wi-Fi, subukang palitan ng 3G/4G/LTE network. Gumawa ng network test para matiyak kung ang inyong bandwidth ay mahigit sa 1Mbps. Ang ilang providers ay maaaring hinaharangan ang VoIP services, kaya mangyaring magtanong sa inyong provider.

Bakit napuputol ang aking tawag matapos ang 1 minute?

Ang My 050 service ay depende sa inyong Internet environment. Ito ay hindi maaaring magamit depende sa network conditions. Ang mabagal na internet connection ay makakaapekto sa quality ng tawag. Ang app ay hindi magagamit sa  Wi-Fi routers o networks na pinipigilan ang paggamit ng VoIP applications.
Mangyaring i-check:
  • kung ang parehong problema ay nangyayari sa Wi-Fi at 3G/4G/LTE networks. Kung ito ay nangyayari lamang sa isa sa connection types, ito ay restriction problem. Ang Brastel ay hindi nagbibigay ng support para sa restricted networks. 
  • ang speed ng inyong network connection (ang kailangang speed ay 1 Mbps o higit pa). Kung ang speed ay mas mababa sa 1 Mbps, kayo ay maaaring makaranas ng audio issues o disconnection.

Ako ay tumatawag sa numero sa Japan at nakarinig ng anunsyo na ipakita ang aking caller ID. Bakit hindi makonekta ang aking tawag?

Kung kayo ay nakarinig ng ganitong anunsyo, ito ay nangangahulugan na kayo ay wala pang sariling My 050 number. Para makakuha ng number, sundan ang instructions here.

Ang aking account ay wala ng balanse matapos ang 5 minutes pa lamang na pakikipag-usap!

Maaaring ang inyong phone ay hindi na-hang up ng maayos. I-check ang inyong call history.
Pumunta sa My Account >> Balance & Call History. Makikita rito ang tagal ng ginawang tawag, simula nang makonekta ang tawag hanggang sa matapos ang pag-uusap. Mangyaring kumpirmahin din ang call rates para sa napiling destinasyon: My Account >> Rates >> Search Destination.

Ako ay nakakatanggap minsan ng notifications sa aking phone tungkol sa expiration ng My 050 app push call feature. Ano ang kinakailangan kong gawin upang maipagpatuloy na magamit ang app?

Sa mga devices na may Apple's iOS 13 o mas bago, ang My 050 at Cloud Softphone apps ay magpapadala ng notification kapag ang app ay hindi nagagamit ng pitong araw. 
Ang notification ay palatandaan na ang push notifications ay mag-eexpire na, ang ibig sabihin ay hindi kayo makakatanggap ng incoming calls (ang app ay hindi magri-ring).
Para mabago ang push notifications, kailangan lamang ninyong buksan ang My 050 o Cloud Softphone app ng isang beses, at isarang muli kung hindi ninyo kailangan na gamitin ito. 

May tatlong uri ng notifications na maaari ninyong matanggap: 

Case 1: 
Message: "Account [My 050 / Cloud Softphone] is still receiving calls, but will expire soon. Tap here or open the app to continue receiving Pushed calls."
Ang notification na ito ay ipinapadala 12 hours at one hour bago ma-expire ang push notifications. 

Case 2: 
Message: "Your account [My 050 / Cloud Softphone] is about to expire on the push server soon." Ang notification na ito ay ipinapadala kapag ang push notifications ay mae-expire. 

Case 3: 
Message: "Due to long inactivity, account [My 050 / Cloud Softphone] is no longer receiving calls. Tap here or open the app to continue receiving Pushed calls." 
Ang notification na ito ay ipinapadala kapag ang push notifications ay na-expire na. 

Ang mga notifications na ito ay ipinapadala lamang sa mga iOS devices. Ang push notifications sa Android devices ay awtomatikong nababago.
Ang push expiration ay hindi makakaapekto sa expiration ng inyong My 050 number o sa Brastel account na nakaugnay rito.